Yamang Tubig
Thursday, August 21, 2014
Personal na opinyon :
Marami na ang mga nanganganib na maubos na hayop sa ating yamang tubig. Kaya dapat natin ito pangalagaan at bigyan importansya. Ito ay bigay satin ng maykapal at dapat natin ituri itong isang regalo na dapat pangalagaan. Sana ay matigil na ang mga masasamang gawain na ginagawa ng mga tao sa ating likas na yaman. Dapat natin wag sirain ang kanilang mga tahanan at sila ay bigyan ng kalayaan sa kanilang mga tahanan. Ang masasabi ko lang ay sana ay hindi maubos ang mga isda at iba pang mga laman tubig sa ating mundo. Marami na ang nanganganib maubos kaya dapat natin umaksyon sa upang ito ay masolusyonan.
Pangangalaga sa anyong tubig
amang pangagalaga sa mga yamang tubig ay huwag magtapon ng basura sa dagat. Upang maiwasan ang pollusyon sa tubig at upang hindi malason ang mga hayop na naninirahan sa tubig.
Maaring itigil ang paggamit ng mga dinamita, mga pinong lambat at muro-ami fishing (ito ay paggamit ng mga matutulis na pabigat upang mamulabog ng mga isda mula sa mga korales) upang hindi ito magdulot ng polusyon, pagkawasak ng mga tirahan ng isda, at pagkaubos ng mga yamang-tubig.

Apat na halimabawa ng pangangalaga sa yamang tubig :
1. Huwag magtapon ng basura at nakalalasong kemikal sa mga ito.
2. Huwag gumamit ng mga dinamita at cyanide o anumang uri ng lason sa pangingisda.
3. Gumamit ng lambat na may katamtamang laki ng butas sa pangingisda. Ito ay upang maiwasan sa paghuli ng maliliit pang isada.
4. Huwag mangisda sa lugar na itinakda bilang isangmarine sanctury. Dito inaalagaan at pinarami ang iba't ibang uri ng yamang-tubig.

Ang Boracay ay isa sa pinakasikat sa Pilipinas bilang isang tourist destination. Pati ang mga ibang dayuhan ay pumupunta dito upang makapagpahinga sa Boracay at mag bakasyon. Ito ay isa sa pinakamangandang yamang tubig sa buong mundo. Ang puting buhangin nito ay kaakit-akit at tubig dito ay malinaw.
MGA ANYO NG YAMANG TUBIG
Karagatan (ocean)
- ang pinakamalaking anyong tubig.
Dagat (sea) - malaking anyong tubig, ngunit mas maliit sa karagatan
Ilog (river) - isang mahaba at makipot na anyong tubig na umaagos patungong dagat; nagmula ito sa maliit na sapa o itaas ng bundok o burol.
Gulpo o golpo (gulf) - isang malaking look na mistulang kamay na bahagi ng dagat o karagatan.
Lawa (lake) - isang anyong tubig na napapaligiran ng lupa.
Look (bay) - isang anyong tubig na napapaligiran ng lupa.
Bukal (spring) - Pinakamaliit na katawan ng dagat. Ito ang tubig mula sa ibaba ng lupa ito rin ay sikat bilang isang Hot Spring.
Talon (waterfall) – matarik na pagbaba ng tubig sa isang sapa.
Batis (stream or brook) – Ilug-ilugan o saluysoy na patuloy na umaagos. This is a small body of flowing water.
Sapa (creek) – Ito ay ginagamit ng mga magsasaka para sa irrigasyon sa palayan.
Nakakapag-export din ang Pilipinas ng mga isda sa iba't ibang sulok ng mundo. Dinarayo din ng mga turista ang ganda ng ating mga dagat o beaches dahil sa mga kakaibang kagandahan ng mga coral reefs sa ilalim ng ating baybayin.
Ang yamang tubig ng Pilipinas ay ang pagkakaroon ng iba't ibang klase ng mga isda at mga tanawin na nagiging "tourist spot" sa Pilipinas. Ito rin ay nakakatulong sa ating bansa sa pamamagitan ng pinagkukuhaan ng hanap buhay. Ang ibig sabihin ng yamang tubig (water resources sa Ingles) ay mga likas na yaman na ating pinagkukunan sa mga anyong tubig tulad ng isda, perlas, alimango, at marami pang iba. Mahalaga ito sa atin sapagkat dito tayong madalas nabubuhay lalung-lalo na ang mga pangingisda kung saan ang yamang tubig ay ginagawa nilang paghahanap-buhay.
Tayo ay sagana sa yamang tubig sapagkat ang Pilipinas ay pinapaligiran ng tubig ngunit dahil sa pag-aabuso ng tao, tulad ng paggagamit ng dinamita, unti-unting nauubos ang ating mga yamang tubig. Kaya naman, dapat nating alagaan ng mabuti ang ating kalikasan.

Subscribe to:
Posts (Atom)